1 Corinto 15:50
Ang Biblia (1978)
50 Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na (A)ang laman at ang dugo ay (B)hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni (C)ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.
Read full chapter
Roma 8:21
Ang Biblia (1978)
21 Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng (A)kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios.
Read full chapter
Galacia 6:8
Ang Biblia (1978)
8 Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.
Read full chapter
2 Pedro 2:12
Ang Biblia (1978)
12 Datapuwa't ang mga ito, na (A)gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.
Read full chapter
2 Pedro 2:19
Ang Biblia (1978)
19 Na pinangangakuan ng (A)kalayaan, (B)samantalang sila'y mga alipin ng kabulukan; sapagka't ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978