1 Samuel 2:6
Ang Biblia (1978)
6 Ang Panginoo'y pumapatay, at bumubuhay:
Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa.
2 Mga Hari 5:7
Ang Biblia (1978)
7 At nangyari, nang mabasa ng hari sa Israel ang sulat, (A)na kaniyang hinapak ang kaniyang suot at nagsabi, (B)Ako ba'y Dios upang pumatay at bumuhay, na ang lalaking ito ay nagsugo sa akin upang pagalingin ito sa kaniyang ketong? (C)nguni't talastasin mo, isinasamo ko sa iyo, at tingnan mo kung paanong siya'y humahanap ng dahilan laban sa akin.
Read full chapter
Oseas 6:1
Ang Biblia (1978)
Ang Ephraim at ang Juda ay napapanganib sa panghihimagsik ng Israel.
6 Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't (A)siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo.
Read full chapter
Mga Bilang 13:8
Ang Biblia (1978)
8 Sa lipi ni Efraim, ay si Oseas na anak ni Nun.
Read full chapter
Mga Bilang 13:16
Ang Biblia (1978)
16 Ito ang mga pangalan ng mga lalake na sinugo ni Moises upang tiktikan ang lupain. At tinawag ni Moises na Josue ang anak ni Nun na si (A)Oseas.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978