Deuteronomio 6:5
Ang Biblia (1978)
5 At (A)iyong iibigin ang Panginoon mong Dios (B)ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.
Read full chapter
Deuteronomio 10:12
Ang Biblia (1978)
Ipinapayo ang paggalang sa Panginoon.
12 At ngayon, Israel, (A)ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi (B)matakot ka sa Panginoon mong Dios, (C)lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at (D)ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo.
Read full chapter
Deuteronomio 30:16
Ang Biblia (1978)
16 Na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito (A)na ibigin mo ang Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at tuparin mo ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, upang ikaw ay mabuhay at dumami, at upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinapasok upang ariin.
Read full chapter
Deuteronomio 30:20
Ang Biblia (1978)
20 Na iyong ibigin ang Panginoon mong Dios, na sundin ang kaniyang tinig, at (A)lumakip sa kaniya: sapagka't siya ang iyong (B)buhay, at ang kalaunan ng iyong mga araw; upang matahanan mo ang lupain na (C)isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila.
Read full chapter
Mga Awit 31:23
Ang Biblia (1978)
23 (A)Oh ibigin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga banal niya:
Pinalalagi ng Panginoon ang tapat,
At pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo.
Roma 8:28
Ang Biblia (1978)
28 At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag (A)alinsunod sa kaniyang nasa.
Read full chapter
1 Corinto 8:3
Ang Biblia (1978)
3 Datapuwa't kung ang sinoman (A)ay umiibig sa Dios, ay kilala niya ang gayon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978