Eclesiastes 3:12
Ang Biblia (1978)
12 (A)Nalalaman ko, na walang maigi sa kanila, kay sa magalak, at (B)gumawa ng mabuti habang sila'y nabubuhay.
Read full chapter
Eclesiastes 5:18
Ang Biblia (1978)
18 Narito, na aking nakita (A)na mabuti at ukol sa isa ang kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa na kaniyang ginawa sa ilalim ng araw lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay sa kaniya ng Dios: sapagka't ito'y kaniyang bahagi.
Read full chapter
Eclesiastes 8:15
Ang Biblia (1978)
15 Nang magkagayo'y (A)pinuri ko ang kalayawan, sapagka't ang tao ay walang maiging bagay sa ilalim ng araw, kundi ang kumain, at uminom, at magsaya: sapagka't tatahang kasama niya sa kaniyang gawa lahat ng mga kaarawan ng kaniyang buhay na ibinigay ng Dios sa kaniya sa ilalim ng araw.
Read full chapter
Lucas 12:19
Ang Biblia (1978)
19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa, (A)Kaluluwa, marami ka nang pagaaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka.
Read full chapter
1 Corinto 15:32
Ang Biblia (1978)
32 Kung ako'y (A)nakipagbaka sa (B)Efeso laban sa mga ganid, (C)ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, (D)magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mangamamatay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978