Genesis 12:6-7
Ang Biblia (1978)
6 (A)At naglakbay sa lupain si Abram hanggang sa dako ng Sichem, (B)hanggang sa punong encina ng More. (C)At noo'y nasa lupaing yaon ang Cananeo,
7 At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, (D)Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.
Read full chapter
Genesis 13:4
Ang Biblia (1978)
4 (A)Sa dako ng dambana na kaniyang ginawa roon nang una: at sinambitla doon ni Abram ang pangalan ng Panginoon.
Read full chapter
Genesis 33:18
Ang Biblia (1978)
Siya'y nagpunta sa Sichem.
18 At dumating si Jacob na payapa sa bayan ng (A)Sichem, na nasa lupain ng Canaan, nang siya'y manggaling sa Padan-aram; at siya'y humantong sa tapat ng bayan.
Read full chapter
Genesis 33:20
Ang Biblia (1978)
20 At siya'y nagtindig doon ng isang dambana, at tinawag niyang El-Elohe-Israel.
Read full chapter
Deuteronomio 11:29
Ang Biblia (1978)
29 At mangyayari, na pagka ikaw ay ipapasok ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, na (A)iyong ilalagay ang pagpapala sa bundok ng Gerizim, at ang sumpa sa bundok ng Ebal.
Read full chapter
Josue 8:33
Ang Biblia (1978)
33 At ang buong Israel, at ang kanilang mga matanda at mga (A)pinuno at ang kanilang mga hukom, ay tumayo sa dakong ito ng kaban at sa dakong yaon sa harap ng mga saserdote na mga Levita, (B)na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ang mga (C)taga ibang lupa na gaya rin ng mga tagaroon; kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Gerizim at kalahati nila ay sa harap ng bundok ng Ebal; gaya ng iniutos ni (D)Moises na lingkod ng Panginoon, na kanilang basbasan muna ang bayan ng Israel.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978