Jeremias 48:40
Ang Biblia (1978)
40 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, (A)siya'y lilipad na parang aguila, at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa Moab.
Read full chapter
Jeremias 49:22
Ang Biblia (1978)
22 Narito, (A)siya'y sasampa at parang aguila na lilipad, at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa (B)Bosra: at ang puso ng mga makapangyarihang lalake ng Edom sa araw na yaon ay magiging parang puso ng babae sa kaniyang pagdaramdam.
Read full chapter
Mga Panaghoy 4:19
Ang Biblia (1978)
19 Ang mga manghahabol sa amin ay (A)lalong maliliksi kay sa mga aguila sa himpapawid:
Kanilang hinabol kami sa mga bundok, kanilang binakayan kami sa ilang.
Ezekiel 17:3
Ang Biblia (1978)
3 At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (A)Isang malaking aguila na may mga malaki at mahabang pakpak na puno ng mga balahibo, na may sarisaring kulay, naparoon sa Libano, at kinuha ang dulo ng cedro:
Read full chapter
Oseas 8:1
Ang Biblia (1978)
Ang pagsuway ng Israel sa kautusan.
8 Ilagay mo ang (A)pakakak sa iyong bibig. Gaya ng isang (B)aguila dumarating siya laban sa bahay ng Panginoon, sapagka't (C)kanilang sinuway ang aking tipan, at nagsisalangsang laban sa aking kautusan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978