Job 33:23-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
23 “O baka siya'y tulungan ng isa sa libong mga anghel,
na nagpapaalala sa tao ng kanyang mga tungkulin.
24 Maaaring itong anghel na puspos ng kahabagan, ay magsabi ng ganito: ‘Siya ay pawalan,
hindi siya dapat humantong sa libingan,
narito ang bayad para sa kanyang kalayaan.’
Mga Gawa 10:4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Tumingin siya at takot na takot na nagtanong, “Ano po iyon?”
Sumagot ang anghel, “Nasiyahan ang Diyos sa iyong mga dalangin at pagtulong mo sa mga dukha.
Read full chapter
Pahayag 8:3-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Dumating(A) ang isa pang anghel na may dalang gintong sunugan ng insenso at tumayo sa harap ng dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang ihandog sa dambanang ginto na nasa harap ng trono, kasabay ng mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos. 4 Mula sa kamay ng anghel ay tumaas sa harapan ng Diyos ang usok ng insenso kasabay ng mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos.
Read full chapter