Levitico 19:15
Ang Biblia (1978)
15 Huwag kayong gagawa ng kalikuan sa paghatol: huwag kayong magtatangi ng pagkatao ng dukha, ni huwag ninyong pararangalan ang pagkatao ng makapangyarihan: kundi hahatulan ninyo ng katuwiran ang inyong kapuwa.
Read full chapter
Deuteronomio 16:19
Ang Biblia (1978)
19 (A)Huwag kang magliliko ng paghatol; (B)huwag kang tatangi ng mga pagkatao: (C)ni kukuha ng suhol; sapagka't ang suhol ay bumubulag ng mga mata ng marunong, at nagliliko ng mga salita ng matuwid.
Read full chapter
1 Samuel 16:7
Ang Biblia (1978)
7 Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang (A)mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka't aking itinakuwil siya: (B)sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso.
Read full chapter
Santiago 2:1
Ang Biblia (1978)
2 Mga kapatid ko, (A)yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating Panginoong Jesucristo, na Panginoon (B)ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi sa mga tao.
Read full chapter
Santiago 2:9
Ang Biblia (1978)
9 Datapuwa't kung kayo'y nagtatangi ng mga tao, ay nangagkakasala kayo, at kayo'y hinahatulan ng kautusan na gaya ng mga suwail.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978