Mateo 11:12-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Mula(A) nang mangaral si Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay sapilitang pinapasok ng mga taong mararahas.[a] 13 Sapagkat hanggang sa dumating si Juan, ang mga propeta at ang Kautusan ang siyang nagpahayag tungkol sa kaharian ng langit.[b]
Read full chapter
Mateo 5:31-32
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Paghihiwalay Dahil sa Pangangalunya(A)
31 “Sinabi(B) rin naman, ‘Kapag makikipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, ito'y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.’ 32 Ngunit(C) sinasabi ko sa inyo, kapag nakipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, maliban kung ito ay nakikiapid,[a] itinutulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”
Read full chapterFootnotes
- 32 nakikiapid: o kaya'y hindi tapat sa kanilang sumpaan bilang mag-asawa .
Marcos 10:11-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Sinabi(A) niya sa kanila, “Kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang asawa. 12 Gayon din naman, ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa ng iba ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”
Read full chapter