Mateo 26:28
Magandang Balita Biblia
28 sapagkat(A) ito ang aking dugo na katibayan ng tipan[a] ng Diyos. Ito ang aking dugong ibinubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 26:28 tipan: Sa ibang manuskrito'y bagong tipan .
Marcos 14:24
Magandang Balita Biblia
24 Sinabi(A) niya, “Ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa marami.
Read full chapter
Lucas 22:20
Magandang Balita Biblia
20 Gayundin(A) naman, dinampot niya ang kopa pagkatapos maghapunan at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Ang aking dugo ay mabubuhos alang-alang sa inyo].[a]
Read full chapterFootnotes
- Lucas 22:20 na inihahandog…alang-alang sa inyo: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
1 Corinto 11:25
Magandang Balita Biblia
25 Matapos(A) maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.”
Read full chapter
Mga Hebreo 10:29
Magandang Balita Biblia
29 Gaano(A) kabigat, sa akala ninyo, ang parusang nararapat sa taong humamak sa Anak ng Diyos, lumapastangan sa dugong nagpatibay sa tipan at nagpabanal sa kanya, at lumait sa mapagpalang Espiritu?
Read full chapter
Mga Hebreo 9:19-20
Magandang Balita Biblia
19 Matapos(A) ipahayag ni Moises sa mga tao ang bawat alituntunin sa Kautusan, kumuha siya ng dugo ng mga baka [at ng mga kambing][a] at hinaluan niya iyon ng tubig. Kumuha siya ng pulang lana at sanga ng hisopo, at isinawsaw iyon sa dugong may halong tubig. Winisikan ang aklat ng Kautusan at ang mga tao. 20 Kasabay nito'y kanyang sinabi, “Ito ang dugong nagpapatibay sa tipan na ibinigay ng Diyos at ipinag-utos niya na tuparin ninyo.”
Read full chapterFootnotes
- Mga Hebreo 9:19 at ng mga kambing: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.