Mga Awit 115:4-7
Ang Biblia (1978)
4 (A)Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto,
(B)Yari ng mga kamay ng mga tao.
5 Sila'y may mga bibig, (C)nguni't sila'y hindi nangagsasalita;
Mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
6 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
Mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
7 Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan;
Mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad;
Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
Mga Awit 135:15-17
Ang Biblia (1978)
15 (A)Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto,
Na gawa ng mga kamay ng mga tao.
16 Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita;
Mga mata ay mayroon sila, ngunit hindi sila nangakakakita;
17 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
At wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978