Mga Bilang 27:18-19
Ang Biblia (1978)
18 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun, isang lalake na (A)kinakasihan ng Espiritu, at (B)ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya;
19 At iharap mo siya kay Eleazar na saserdote, at sa buong kapisanan; at (C)pagbilinan mo siya sa kanilang paningin.
Read full chapter
Deuteronomio 31:7
Ang Biblia (1978)
7 At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa paningin ng buong Israel, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't ikaw ay yayaong kasama ng bayang ito sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila; at iyong ipamamana sa kanila.
Read full chapter
Deuteronomio 31:23
Ang Biblia (1978)
23 (A)At kaniyang pinagbilinan si Josue na anak ni Nun, at sinabi, (B)Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't iyong ipapasok ang mga anak ni Israel sa lupain na isinumpa ko sa kanila; at ako'y sasa iyo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978