Mga Gawa 20:38
Ang Biblia (1978)
38 Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang salitang (A)sinabi niya, na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha. At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong.
Read full chapter
Mga Gawa 21:5
Ang Biblia (1978)
5 At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon, ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay: at silang lahat, pati ng mga asawa at mga anak, (A)ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan: at sa paninikluhod namin sa baybayin, kami'y nagsipanalangin, at nangagpaalaman sa isa't isa;
Read full chapter
Roma 15:24
Ang Biblia (1978)
24 Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako (sapagka't inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay, (A)at ako'y sasamahan ninyo patungo doon, pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo)—
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978