Nehemias 9:26
Ang Biblia (1978)
Ang panalangin ng mga Levita sa pagtatapat ng kanilang pang-bansang kasalanan.
26 Gayon ma'y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo, (A)at tinalikdan ang iyong kautusan, at pinatay ang (B)iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila'y magsipanumbalik sa iyo, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi.
Read full chapter
Jeremias 11:8
Ang Biblia (1978)
8 Gayon ma'y hindi nila tinalima o ikiniling man ang kanilang pakinig kundi lumakad bawa't isa sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso: kaya't dinala ko sa kanila ang lahat na salita ng tipang ito, na aking iniutos sa kanila na isagawa, nguni't hindi nila isinagawa.
Read full chapter
Daniel 9:10
Ang Biblia (1978)
10 Ni hindi man namin tinalima ang tinig ng Panginoon naming Dios, upang lumakad ng ayon sa kaniyang mga kautusan, na kaniyang inilagay sa harap namin sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na propeta.
Read full chapter
Daniel 9:14
Ang Biblia (1978)
14 (A)Kaya't iniingatan ng Panginoon ang kasamaan, at ibinagsak sa amin; sapagka't ang Panginoon naming Dios ay matuwid sa lahat ng kaniyang mga gawa na kaniyang ginagawa, at hindi namin dininig ang kaniyang tinig.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978