Roma 4:23-24
Ang Biblia (1978)
23 Ngayo'y (A)hindi lamang dahil sa kaniya isinulat, na sa kaniya'y ibinilang;
24 Kundi dahil din naman sa atin, na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya (B)sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay, kay Jesus na ating Panginoon,
Read full chapter
1 Corinto 9:9-10
Ang Biblia (1978)
9 Sapagka't nasusulat sa kautusan ni Moises, (A)Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. Ang mga baka baga ay iniingatan ng Dios,
10 O sinasabi kayang tunay ito dahil sa atin? Oo, (B)dahil sa atin ito sinulat: sapagka't ang nagsasaka ay dapat magsaka (C)sa pagasa, at ang gumigiik, ay sa pagasa na makakabahagi.
Read full chapter
1 Corinto 10:6
Ang Biblia (1978)
6 Ang mga bagay na ito nga'y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na (A)gaya naman nila na nagsipagnasa.
Read full chapter
2 Timoteo 3:16-17
Ang Biblia (1978)
16 Ang lahat ng mga kasulatan (A)na kinasihan ng Dios ay (B)mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
17 Upang ang tao (C)ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978